MALCA
Malca no longer holds his hand
For she’s too far away.
Now, his holding another,
There’s nothing left to say.
GRASA
Akala ko kung may sarili ka nang mundong ikinukubli sa magagaspang at maiitim na sulok ng iyong nagdaang katawan, wala ka nang alam, wala ka nang pakialam sa kamunduhan ng mapusok ng dati mong kapiligaran – ang maingay na usok na ginagalawan namin ngayon.
Ngunit habang nag-aabang ako sa kanto ng jeep para ihatid ang taong dating humahawak sa kamay ni Malca at ang mga kamay na pumalit sa mga ito, lumapit ka at huminggi ng limang piso.
At habang inaabot ko sa iyo ang munting Aguinaldo, naisip ko kabilang ka pa rin pala sa aming mapusok na daigdig.
Higit sa lahat, mas mahirap palang mamuhay sa dalawang ginagalawang mundo.
SAKAYAN
Lumiko tayo’t sumakay pa-timog, ngunit hilaga ang ating inaasam. Dumaan tayo pa-kanluran; naglakad pa-silangan.
Hininihingal ka’t napatawa lang ako.
Minamasdan kitang hinihingal – bilang kaibigan (hingang hinihingal)…bilang kaibigan.
BUENDIA
Susunod na istasyon. Buenda Station.
Apat na taon din tayong hindi nag-usap nang ganoon katagal.
Dalawang taon din akong nanabik para mamasdan kita muli.
At habang nag-iisa ako dito sa tren – palakbay pa-uwi, naisip kong okey na pala ang lahat. Sarili ko lang ang gumugulo sa sitwasyon.
Hindi ko itatangging matagal at taimtim kong pinalangin ang araw na ito – at sa Diyos, lubos akong nagpapasalamat.
At sa iyo, bagong kaibigan ng aking nakaraan, hanggang sa muling pagkikita…hanggang sa muling pagkikita…
No comments:
Post a Comment