Showing posts with label TAGALOG. Show all posts
Showing posts with label TAGALOG. Show all posts

Friday, December 18, 2009

SAYAW (2 SA 2)

Ako dapat
ang ilaw na sumasayaw
sa iyong katawan,
ang pawis
na humahaplos
sa iyong mga labi.

Ako dapat
ang s'yang ritmong tumutugtog
sa bawat mong hakbang,
ang pagod
na sumasamo
sa nagbabadyang gabi.

Ako dapat.

Sunday, October 25, 2009

...

DUMAAN

Maswerte ka.
Inaalalayan ka ng tula
Binubuo sa iyo ang kanta.
Sagot ka ng kanyang mga
Panalangin
Hawak mo ang kanyang mga
mata.

Ang kamay na hindi ko maangkin,
Ang mga dasal na hindi matutupad,
Ang kantang kulang sa huni,
Ang tulang hindi makabuo ng saknong.
Maswerte pa rin ako at

KA

...

isinulat nang dumaan ka.

Sunday, September 13, 2009

SIGAW: SAMU'T SARI'T SAPIIN SAPIN

MALCA

Malca no longer holds his hand
For she’s too far away.
Now, his holding another,
There’s nothing left to say.


GRASA

Akala ko kung may sarili ka nang mundong ikinukubli sa magagaspang at maiitim na sulok ng iyong nagdaang katawan, wala ka nang alam, wala ka nang pakialam sa kamunduhan ng mapusok ng dati mong kapiligaran – ang maingay na usok na ginagalawan namin ngayon.

Ngunit habang nag-aabang ako sa kanto ng jeep para ihatid ang taong dating humahawak sa kamay ni Malca at ang mga kamay na pumalit sa mga ito, lumapit ka at huminggi ng limang piso.

At habang inaabot ko sa iyo ang munting Aguinaldo, naisip ko kabilang ka pa rin pala sa aming mapusok na daigdig.

Higit sa lahat, mas mahirap palang mamuhay sa dalawang ginagalawang mundo.


SAKAYAN

Lumiko tayo’t sumakay pa-timog, ngunit hilaga ang ating inaasam. Dumaan tayo pa-kanluran; naglakad pa-silangan.

Hininihingal ka’t napatawa lang ako.

Minamasdan kitang hinihingal – bilang kaibigan (hingang hinihingal)…bilang kaibigan.


BUENDIA

Susunod na istasyon. Buenda Station.

Apat na taon din tayong hindi nag-usap nang ganoon katagal.

Dalawang taon din akong nanabik para mamasdan kita muli.

At habang nag-iisa ako dito sa tren – palakbay pa-uwi, naisip kong okey na pala ang lahat. Sarili ko lang ang gumugulo sa sitwasyon.

Hindi ko itatangging matagal at taimtim kong pinalangin ang araw na ito – at sa Diyos, lubos akong nagpapasalamat.

At sa iyo, bagong kaibigan ng aking nakaraan, hanggang sa muling pagkikita…hanggang sa muling pagkikita…

Tuesday, September 8, 2009

SIGAW: LIMANG DAHILAN ! LIMANG DAHILAN ?

...
LIMANG DAHILAN PARA MAHALIN ANG TRABAHO !

1.) Magpasalamat at may trabaho ka. Pasalamat at may hanapbuhay ka.
2.) Pinaghirapan mo ito ng higit limang taon.
3.) Nagdasal ka ng taimtim sa Maykapal na marating mo ang estadong ito.
4.) Gusto mo ng overtime, maliban sa araw ng Linggo. Night owl ka kasi.
5.) Na-aaply mo na ang mga turo at aral sa kolehiyo.

...
LIMANG DAHILAN PARA MAHALIN ANG TRABAHO ?

1.) Ang trabaho ang hanapbuhay mo; ngunit nagsusulat ka para mabuhay.
2.) Pinaghirapan mo ang limang taon dahil dikta ito ng utak mo, hindi dahil ng puso mo.
3.) Pinagdasal mo ang estadong ito dahil nasimulan mo na ang limang taon, at nais mo na itong matapos. Gusto mo nang ipanalangin ang trabahong pinakaaasam mo.
4.) Gusto mo ng overtime sa pagsusulat ng mga artikulo o di kaya’y bumuo ng bagong konsepto para sa programa at patalastas, kahit sa araw ng Linggo. Creative Night owl ka kasi.
5.) Kung babalik ka sa kolehiyo, ibang kurso ang tiyak na kukunin mo.


---
! ? MAGULO.

Friday, August 14, 2009

SIGAW: BITUIN

Sa araw nawawala ang bituin, hinihintay ko ang gabi upang kuminang muli ang aking mundo…ako’y tahimik lamang sa pagmamasid habang hinehele ako ng kanyang mga panaginip.

Saturday, July 25, 2009

PALAWAN: BARAS











Eto ang munting tula...
BUHANGIN


Parang saliw ng buhangin,
nakikita mo ako –
ngunit hindi
mo ako pinapansin.

Parang alon ng dagat,
nilulunod mo ako
sa iyong tingin – at ‘di
mo ito napapansin.

Parang ihip ng hangin,
niyayakap kita,
palihim – at ‘di
mo dapat ito mapansin.

At parang dalampsagigang
may inililihim,
minamahal kita…

…’di mo ba napapansin?
~~~~~

BARAS


Mejo eyep ang baras,
nakikita mo ako -
pero ara mo ako
ning iniintindi.

Mejo daluyon ang dagat,
inglelelemes mo ako
sa imong paneling - ig ara
mo ako naintindi.

Mejo eyep ang angina,
ingkekepan takaw,
Patago - ig indi
mo ako ing intindi.

Ig mejo baybayen
Nga ing tatagó,
ing gegegma takaw…

…ara mo ba naintindian?
----


Biglang kumati ang mga kamay ko sa Sabang Beach, Palawan hindi dahil sa buhangin o dahil sa alon ng dagat – kung hindi dahil sa mga letrang nais lumabas at makilangoy sa kapwa nila letra, upang makabuo ng mga salita ng araw, tubig, at buhangin.

Ang problema: wala akong pluma at papel habang kaharap ko ang dalampasigan, tahimik na minamasdan ang mga ka-opisinang nakikipagkaibigan sa mababagsik na mga alon.

Ang solusyon: ginawa kong pluma ang aking daliri at ginawa kong papel ang handog ni Sabang Beach sa nangangati kong kamay – ang buhangin.

At ang naging bunga ng pakikipagsapalaran ay ang Buhangin. Isinalin ng aming tour guide na si Edna B. de Los Angeles ang Buhangin sa Cuyuno. (Ang Cuyuno ang lokal na wika ng mga Cayunonen o Cayunon, mga mamamayanan ng Cuyo Island, Palawan*.) Dahil sa pagsalin ng mga letrang Tagalog sa letrang Cuyuno, ang Buhangin ay naging Baras.



----
*www.ncca.gov.ph

Pasalamat: kay Mark Joseph Pizana sa pagkuha sa larawang nakatalikod ako. Hindi mabubuo ang buhangin kung wala ito. Salamat kaibigan.
at Kay Kaibigang Panginoon sa mga lihim ng Palawan at paggawa ng sapat na mga elemento para makunan ko ang kagandahan ng mga ito. Lubos kaming pinagpala sa Inyong Kabutihan.



PALAWAN: HINGA MALALIM

---

Masaya kung mag-isa ka lang.
Yung hindi mo iniintindi ang mundong nakalibot sa ‘yo.
Tanging ikaw lang at ang mundo mo – hindi mundo nila o mundo niya, kung hindi mo lang.

Bakit tahimik ka?, tanong niya.

Nakikihati lang sa katahimikan ng dagat, sagot ko.

Bakit, tahimik ba?

Oo, tahimik – tahimik sa mundo ko…

…(hinga malalim) at ng karagatan.

Walang imik.

Naging tahimik muli.

PALAWAN: FUNDADOR

-------------
FUNDADOR
-------------

Bangag ako
at
ako’y natutu
naw sa iyong mga tingin –
tila bituin na pitil kong minimitih, atttt ang
iyong mga labbi, na puno ng “”after-mark
s” ng ininum na
FUNDaDor, ay ang SiyAA’ng
Dahilla NG pagka ngayonG GGABI(.)
N lasing

M
A
H
H
A
L
KITA, nngguunniittt tanging ALAK
lang
nga makakaRINIG saaa dalamhating ito –
dalamhaati sapagkat, RAK ‘EN ROL,
hindi mo
ako
pwedeng mahalin, tang ina mo!!!1
HINDi PWEDE
AKONG MAHALIN
…TagAY…
At habang, nagshishinungaling ang Camay
Ko-o sa pagkaMATINO…
Patuloy,,, kong hinahabi ang aikng isipan –
N apuno ng mga pangarap ng
Ikaw ang tayong dalawa ---
Ako at
Sha mundo ng kalasingan,
Sha mundo ng aking Pantasya….



!RAK ‘EN ROL!
---------


Ishinulat sa Palawan habang medyo nakakainum na ang aking bibig at nagmamakatino ang aking mga kamay. Rak ‘En Rol!!! Mukhang mineral water bottle sa blog, tunay na Fundador sa Word Document, rak 'en rol!!!

PALAWAN

---

Ang susunod na tatlong katha ay isinulat ko sa Puerto Princesa – isa habang ako’y nagpapatino mula sa pag-inom ng Fundador, isa habang ako’y tahimik at inuutusan ko ang sarili na Hinga Ng Malalim, at ang isa habang nakikipagsapalaran sa huni ng Buhangin.

Sana maibigan ninyo ang mga muthing komposisyong ito habang sinusulat ko pa ang mga naganap sa aming cluster outing sa...

PALAWAN!!!

Thursday, July 23, 2009

DAY THREE: BEACH


DAY THREE, JULY 12

PAKIUSAP:

It was a reunion of sorts.
Feet over Sand
Sand over Waves
Waves over Feet.


PAKIWARI:

…pagkaraan ng walong buwang pagkakawalay sa yakap ng alon at panaghoy ng simoy ng hangin, sa wakas, natikman ng aking sabik na katawan ang kiliti ng pagdampi ng tubig, paunti-unti sa aking balat…

…Ang dalampisaga’y naging isang malaking kama, at ako’y patuloy na sumisid, at naghanap ng panibagong karanasan. Ang dagat ay mistulang kumot, tinatakpan sa mundo ang aking malikot na sekreto. Ang buhangin ay tila mga pira-pirasong paggunita na lamang ng aking nakaraang paglalakbay…

...At pagkatapos lumangoy,
sumisid,
at lumangoy ulit, ako’y lumabas sa kamang iyon – basang-basa, humihingal, pagod na pagod, parang nakailan…

…nakailang sisid at langoy.

…At sa pagdampot ng aking basang paa sa mga buhangin ng nakalimot na panahon, tinanong ko sa sarili…

…kalian kaya ako mapapagod ulit ng ganoon?


PAGSASALARAWAN:
Masaya ang naganap. Ang naganap ay masaya. Masaya.

Tuesday, July 21, 2009

SA IKALAWANG BUWAN NG PAG-ALALA

March 2nd, 2007 by truesurvivor

nakakatulog na ingay, nakakabalisang katahimikan, umuudlot, pumipilit, panibugho ng pusong umiibig…

sa paglaon ng panahon, natutununan ng pusong magmahal at bumangon sa dating masayang panaginip. ngunit sa ngayon, pinipili nitong magpakasaya sa kalungkutang bugso ng walang pag-asa. sapagkat mahal ko pa siya, hindi ko itatanggi yun…

ngunit bakit ko ba pinipilit makisingit sa damdaming ayaw na sa akin? bakit ba ako umaasa sa naturang wala at sa wala natutunan ang lahat? bakt ba hindi mapintig ng puso ang dapat nitong malaman?

sadyang mapalinlang ang kasakiman ng pag-ibig. masaya ka sa simula, ngunit paglao, luha ang ibubunga ng lahat ng ito. masakit malaman na habang gumiguhit ng oras ang mga pagkakataon, narito pa rin ako sa nakaraang pilit kong binabago.

ako ang nagkamali, ngunit sa mata ng ilan, ako ang tama. bakit ko ba hinayang pakawalan ang taong nagmahal sa akin ng tunay, na ang taong ninais lamang makamit sa malamig na gabing iyon ay maipadama ko sa kanya ang aking ipinagkakaloob ng walang hanggang pag-ibig…

walang hanggang pag-ibig na nagwakas ng saglit magpakailanman… galos na naibatid nito ay panhabang-buhay na uukit ng mga aral sa musmos kong puso…

dalawang buwan na nang naging kami, saksi ang mga diyos ng karagatan at mga binibini ng buwan at gabi sa magikang napadama sa gabing iyon. magika na ngayon ay tila gayuma na ayaw akong pakawalan…

nais ko nang mabuhay na hindi ko na siya naiisip, nais ko nang matahak ang landas na gusto ng Poong Maykapal, nais ko nang mabalik ang dating ako…

mahal ko pa siya, nais ko siyang mayakap at mahagkan muli. ngunit alam ko, hindi na niya ito kayang gawin. habang ako naman, umaasa, nandito, nanaginip ng gising…

siguro dapat ko nang malaman na sadyang laro ang pag-ibig, sugal na palagi akong talo. at habang malalaman ko ang sekreto sa kasiyahang ninanais ko, sana pagtagpuin ng Diyos si ako at ang taong magpapaligaya sa puso kong lagi na laging nasasaktan…

wakas

----

Naisulat ko ito “sa ikalawang buwan ng pag-alaala” pagkatapos magkahiwalay kami ng dating kasintahan. Dito ko naibuhos ang hapdi na naranasan ko sa panahong iyon.
Depressed. Hopeless Romantic. Dakilang Gago. Nais ko lang ipakita na minsan (o sa lahat ng pagkakataon), sa buhay ng isang manunulat, ang luha na galing sa nagdurugong puso ay ang pinakamabisang pluma sa mga kompisyong katulad nito.

INTEGRITY

Column title: Kamunduhang Iñigo
Columnist: Niño Jose B. Gonzales

Numero Uno Espesyal


INTEGRITY.
A nine-letter word with three vowels and six consonants. Pronounced as in-teg’ri-ti, meaning uprightness; wholeness; soundness. Code of Ethics for Professional Accountants in the Philippines describes the word as “not mere honesty but fair dealing and truthfulness. Integrity is dignity and reputation. Integrity connotes who we are and what we are for others. Ikanga, “ayaw kong gawin niyan, nakakawala ng integridad, nakakasira ng reputasyon…” At that, we try our best to protect our integrity, and live a life that is of it.
However in a modern fairy tale twist, integrity has now been played to more than being upright, whole, and sound. It is not merely a word in place for dignity and reputation. It has now become a word synonymous with television ratings.
In the ever-entertaining entertainment world, hundreds upon hundreds of programs have been clamoring to be selected for viewing in your television screen. With the power vested upon the remote control, we, the couch potatoes of this universe, have that sovereignty, that defining freedom to view the programs we desire. Tayo ang hari ng ating telebisyon. Walang makakapigil dito.
So television networks try their best to be the chosen one. They equip themselves with different strategies – advertising plugs, promotional gimmicks, shows and tours. The list goes on. All for the purpose of serving the master that is the television viewer.
Now you ask. Why strive to be numero uno, to be atop of this ratings food chain? Why not settle for being number two and still serve the purpose? In the words of Kevin Costner in Luxury Golf and Travel, "second place just means first loser". Is this the philosophy why networks struggle to be on top?
This sensational controversy has transcended more than a game of numbers and trends. A common Juan or Pedro would find it nakakaaliw, nakakabaliw why networks would battle for mere numbers and trends. It is all too common that networks plug their recognitions and achievements as the leading network to televiewers, amply thanking them as they being part of the victory.
Sometimes exaggerated, often overwhelming.
But there is much story to the percentage and trend. The battle of integrity continues.
According to Philippine Auditing Standards 540, audit sampling is done in a manner that the auditor selects sample items in such a way that the selected item can be expected to be representative of the population. From the samples given, auditors would use the same to assess certain audit risks. Applied to the television ratings, the panel homes we hear in the news represent the Filipino viewing population, either nationwide or regional. With the supposed manipulations at hand, the representative aspect of the survey itself is undermined, leading to a less objective result.
Forgive me for being quite technical.
Also, the survey results are used by advertisers investing in proper advertisements to be aired at the proper program hitting the proper market as much as possible. And if the results were not objective enough, clearly promotional decisions would cause the economic domino effect of lesser sales, opportunity cost, lesser profits and lesser less to be perceived.
The battle of integrity continues.
It is not now about being number one. It is now about who’s telling the truth.
If (emphasize if, meaning the possibility or probability of an event or condition to occur) the allegations were true, integrity is definitely compromised. Bakit mo poprotektahan ang iyong integridad kung ikaw mismo ang dumungis nito? Why waste time denying when you could humble yourself and admit the truth. If the controversies lead weren’t true at all, integrity still is compromised. Bakit ka mamumuhunan nang sandamukal na pawis at pagod para lamang manira ng kapwa tao?
It is all to clear that each network is trying to protect its slogan of truth and honesty while equally bombarding the other with new allegations of mischief and conspiracy. It is amusing to note that this controversy has expanded more than just ratings – from issue of the cable company being a related party to a new scandal over radio ratings. Ano sunod? Blaming Britney Spears for this hysteria?
Crazy.
It is all to clear that neither network is willing to stop this battle. Walang gustong mag-surrender, walang gustong magparaya at tumahimik. Why would they, why should they? Their reputation is at stake here. Higit sa lahat, nakasalalay dito ang pag-suporta ng sambayanang Pilipino sa katotohanan at integridad. Ngunit sino nga ba ang tunay na may hawak nito?
Sa huli, isang katotohanan ang mananaig. Sa huli, iisa lamang ang humahawak ng katotohanan, ang isa pawang maskara lamang ang suot. Sa huli, sana maging isa tayong pamilya na may puso at dangal.
As for now, the battle of integrity continues.
Kung hindi kayo, kung hindi sila, sino ba ang may pakana ng lahat ng ito? Ang cartoon network?

----

Ang lathalang Integrity ay isinulat
ko bilang kolumnista sa the Weekly Sillamian, taong 2007. Ito ay isinulat sa kalagitnaan ng "ratings wars" ng magkalabang istasyon. Pagkatapos ng ilang taon, biglang tumahimik ang 'tila walang hanggang iringan ng mga dalawang higanteng ito. Wonder what happened to the ratings-integrity wars...

Sunday, July 5, 2009

SULAT

July 27th, 2007 by truesurvivor

sa paghiwalay ba ng dalawang pusong minsang nagmahalan, iisa lang ba ang titibok, at ang kabila’y mamatay na? sino ba ang tunay na may sala sa mga naganap? tadhana ba o ang sadyang paglayo ng isa sa pangako ng magpakailanman?
masakit ang magmahal. hindi nito binibilang ang mga naturang sandali na kayo ay magkasama. hindi din nito batid ang mga tampuhan, batian, halikan, pagkamuhi sa isa’t isa. basta nandiyan lang siya - nanatili sa init ng sinumpaang pagmamahalan.

sandali man, isang linggo, dalawang araw, tatlong buwan, o apat na taon, ito’y hahabi sa iyong nakaraan at pilit na mananalaytay sa iyong puso, habang pilit mo itong iniiwasan. ito’y bahagi mo na, isang bahaging hindi na kailanman mawawaglit.

dahil sa pagmamahal, natutunan natin ang kagandahan ng buhay, ang kasakiman nito, at ang pag-asang dulot ng nagwakas na araw. kaya sa bawat sandali na kapiling mo siya, alalahanin mo na lang, na milyon-milyon na ang natapos, hahayain mo pa bang mapabilang kayo sa lista?

pasalamat ka at mayroon nilikha na inaaway ka dahil sa mga kamalian mo. pasalamat ka at nariyan siya sa pinakamalungkot na sandali ng iyong buhay. pasalamat ka at nagmamahal at minamahal ka…

narito ako ngayon, masayang nagmumukmok sa kalungkutan sa kalaliman ng gabi. nag-aantay, nagliliwaliw sa kabalintunaang babalik pa siya sa akin…marahil sa panaginip, ngunit hindi sa mundong minsan naming ginalawan…

--

Isang munting paalala lamang sa mga magkasintahan (pa) ngayon mula sa dating nagmahal. Isinulat halos dalawang taon na ang nakalipas.

Sunday, June 21, 2009

PAALALA

Ang mga kathang may label na NAKARAAN ay hinugot mula sa Kamunduhang Inigo, ang aking blog sa Friendster. Ang mga komposisyong ito ay isinulat isa hanggang dalawang taon na ang nakalilipas, noong ako ay isa pa lamang mag-aaral sa Unibersidad ng Silliman. Sana’y maibigan ninyo (kung may nagbabasa man ng Ang Dakilang Inigo) ang mga kathang ito.

Wednesday, June 3, 2009

BUWAN

Hindi ko winawangis ang sarili sa mga ibon o di kaya’y sa mga isda sa kanilang paglalakbay. Sapagkat narito lang ako, sa isang sulok - nag-iisa. Nagmamasid. Minamasdan ka. Tinatanaw ka habang ika’y walang pagod na umiikot sa aking mundo.

Ikaw ang mundo; ako ang buwan – ang buwan na sa gabi mo lang natatanaw. At kahit sa dilim ma’y hindi mo ako mapapansin. Dahil ano ba naman ang isang buwan sa mga bituin – mga talang kinakausap mo sabay sa pag-ihip ng hangin. Ang mga kumukutitap na mga anghel na sinasambit ang iyong mga panalangin, ang mga bituing nakakarinig sa iyong mga pakiusap.

At kahit minsan nawawala ang buwan, ang mga tala’y patuloy pa rin sa kanilang liwanag – at hindi mo mapapansin ang aking paglisan. At kahit paunti-unting siyang bumabalik, ang mga tala’y patuloy pa rin sa kanilang liwanag – at hindi mo kailanman mababatid ang aking pagmamahal…



- habang naghihintay sa harap ng elevator ng ika-24 na palapag ng tinitirhang condominium, biglang naisambit ng aking mga labi ang mga salita ng unang bahagi ng maliit na komposisyong ito. Pagkatapos makabili ng Absolute Mineral Water at Paracetamol Biogesic (medyo masakit ang ulo, ingat!) sa magkakalapit na tindahan, dali-dali akong bumalik sa aming unit at tinapos ang buo gamit ang laptop ng aking kamag-aral sa Silliman (iniwan naman kasi ang laptop sa opis). Ito’y produkto ng “kati ng manunulat (writer’s itch, tama naman di ba?)”