Thursday, July 23, 2009

DAY THREE: BEACH


DAY THREE, JULY 12

PAKIUSAP:

It was a reunion of sorts.
Feet over Sand
Sand over Waves
Waves over Feet.


PAKIWARI:

…pagkaraan ng walong buwang pagkakawalay sa yakap ng alon at panaghoy ng simoy ng hangin, sa wakas, natikman ng aking sabik na katawan ang kiliti ng pagdampi ng tubig, paunti-unti sa aking balat…

…Ang dalampisaga’y naging isang malaking kama, at ako’y patuloy na sumisid, at naghanap ng panibagong karanasan. Ang dagat ay mistulang kumot, tinatakpan sa mundo ang aking malikot na sekreto. Ang buhangin ay tila mga pira-pirasong paggunita na lamang ng aking nakaraang paglalakbay…

...At pagkatapos lumangoy,
sumisid,
at lumangoy ulit, ako’y lumabas sa kamang iyon – basang-basa, humihingal, pagod na pagod, parang nakailan…

…nakailang sisid at langoy.

…At sa pagdampot ng aking basang paa sa mga buhangin ng nakalimot na panahon, tinanong ko sa sarili…

…kalian kaya ako mapapagod ulit ng ganoon?


PAGSASALARAWAN:
Masaya ang naganap. Ang naganap ay masaya. Masaya.

No comments:

Post a Comment