Eto ang munting tula...
BUHANGIN
Parang saliw ng buhangin,
nakikita mo ako –
ngunit hindi
mo ako pinapansin.
Parang alon ng dagat,
nilulunod mo ako
sa iyong tingin – at ‘di
mo ito napapansin.
Parang ihip ng hangin,
niyayakap kita,
palihim – at ‘di
mo dapat ito mapansin.
At parang dalampsagigang
may inililihim,
minamahal kita…
…’di mo ba napapansin?
Parang saliw ng buhangin,
nakikita mo ako –
ngunit hindi
mo ako pinapansin.
Parang alon ng dagat,
nilulunod mo ako
sa iyong tingin – at ‘di
mo ito napapansin.
Parang ihip ng hangin,
niyayakap kita,
palihim – at ‘di
mo dapat ito mapansin.
At parang dalampsagigang
may inililihim,
minamahal kita…
…’di mo ba napapansin?
~~~~~
BARAS
Mejo eyep ang baras,
nakikita mo ako -
pero ara mo ako
ning iniintindi.
Mejo daluyon ang dagat,
inglelelemes mo ako
sa imong paneling - ig ara
mo ako naintindi.
Mejo eyep ang angina,
ingkekepan takaw,
Patago - ig indi
mo ako ing intindi.
Ig mejo baybayen
Nga ing tatagó,
ing gegegma takaw…
…ara mo ba naintindian?
----
Biglang kumati ang mga kamay ko sa Sabang Beach, Palawan hindi dahil sa buhangin o dahil sa alon ng dagat – kung hindi dahil sa mga letrang nais lumabas at makilangoy sa kapwa nila letra, upang makabuo ng mga salita ng araw, tubig, at buhangin.
Ang problema: wala akong pluma at papel habang kaharap ko ang dalampasigan, tahimik na minamasdan ang mga ka-opisinang nakikipagkaibigan sa mababagsik na mga alon.
Ang solusyon: ginawa kong pluma ang aking daliri at ginawa kong papel ang handog ni Sabang Beach sa nangangati kong kamay – ang buhangin.
At ang naging bunga ng pakikipagsapalaran ay ang Buhangin. Isinalin ng aming tour guide na si Edna B. de Los Angeles ang Buhangin sa Cuyuno. (Ang Cuyuno ang lokal na wika ng mga Cayunonen o Cayunon, mga mamamayanan ng Cuyo Island, Palawan*.) Dahil sa pagsalin ng mga letrang Tagalog sa letrang Cuyuno, ang Buhangin ay naging Baras.
----
*www.ncca.gov.ph
Pasalamat: kay Mark Joseph Pizana sa pagkuha sa larawang nakatalikod ako. Hindi mabubuo ang buhangin kung wala ito. Salamat kaibigan.
at Kay Kaibigang Panginoon sa mga lihim ng Palawan at paggawa ng sapat na mga elemento para makunan ko ang kagandahan ng mga ito. Lubos kaming pinagpala sa Inyong Kabutihan.
No comments:
Post a Comment