Tuesday, July 21, 2009

SA IKALAWANG BUWAN NG PAG-ALALA

March 2nd, 2007 by truesurvivor

nakakatulog na ingay, nakakabalisang katahimikan, umuudlot, pumipilit, panibugho ng pusong umiibig…

sa paglaon ng panahon, natutununan ng pusong magmahal at bumangon sa dating masayang panaginip. ngunit sa ngayon, pinipili nitong magpakasaya sa kalungkutang bugso ng walang pag-asa. sapagkat mahal ko pa siya, hindi ko itatanggi yun…

ngunit bakit ko ba pinipilit makisingit sa damdaming ayaw na sa akin? bakit ba ako umaasa sa naturang wala at sa wala natutunan ang lahat? bakt ba hindi mapintig ng puso ang dapat nitong malaman?

sadyang mapalinlang ang kasakiman ng pag-ibig. masaya ka sa simula, ngunit paglao, luha ang ibubunga ng lahat ng ito. masakit malaman na habang gumiguhit ng oras ang mga pagkakataon, narito pa rin ako sa nakaraang pilit kong binabago.

ako ang nagkamali, ngunit sa mata ng ilan, ako ang tama. bakit ko ba hinayang pakawalan ang taong nagmahal sa akin ng tunay, na ang taong ninais lamang makamit sa malamig na gabing iyon ay maipadama ko sa kanya ang aking ipinagkakaloob ng walang hanggang pag-ibig…

walang hanggang pag-ibig na nagwakas ng saglit magpakailanman… galos na naibatid nito ay panhabang-buhay na uukit ng mga aral sa musmos kong puso…

dalawang buwan na nang naging kami, saksi ang mga diyos ng karagatan at mga binibini ng buwan at gabi sa magikang napadama sa gabing iyon. magika na ngayon ay tila gayuma na ayaw akong pakawalan…

nais ko nang mabuhay na hindi ko na siya naiisip, nais ko nang matahak ang landas na gusto ng Poong Maykapal, nais ko nang mabalik ang dating ako…

mahal ko pa siya, nais ko siyang mayakap at mahagkan muli. ngunit alam ko, hindi na niya ito kayang gawin. habang ako naman, umaasa, nandito, nanaginip ng gising…

siguro dapat ko nang malaman na sadyang laro ang pag-ibig, sugal na palagi akong talo. at habang malalaman ko ang sekreto sa kasiyahang ninanais ko, sana pagtagpuin ng Diyos si ako at ang taong magpapaligaya sa puso kong lagi na laging nasasaktan…

wakas

----

Naisulat ko ito “sa ikalawang buwan ng pag-alaala” pagkatapos magkahiwalay kami ng dating kasintahan. Dito ko naibuhos ang hapdi na naranasan ko sa panahong iyon.
Depressed. Hopeless Romantic. Dakilang Gago. Nais ko lang ipakita na minsan (o sa lahat ng pagkakataon), sa buhay ng isang manunulat, ang luha na galing sa nagdurugong puso ay ang pinakamabisang pluma sa mga kompisyong katulad nito.

No comments:

Post a Comment