"Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makakarating sa paroroonan." - Gat Jose Rizal
Ilang taon na rin ang nakalipas nang muli akong tumuntong sa Mataas na Paaralan ng Saint Vincent’s College, ang aking high school alma mater. Ang huli kong bisita sa aking mga guro ay noong mag-aaral pa lamang ako ng Accountancy sa Unibersidad ng Silliman, noong ikalawang baitang ata..
Ngayon aka’y Certified Public Accountant na, naisip kong nararapat lamang na bumalik ako sa paaralang aking pinanggalingan, ang institusyong humubog di lamang sa aking edukasyon, ngunit pati na rin sa aking karakter at determinasyong may mararating rin ang ambisyosong mag-aaral na ito.
Kasama ko ang aking batchmate at mabuting kaibigan na si Clair Rubia sa pagbabalik-paaralan ko sa araw na ito.
At ang unang bumungad sa amin ay ang School Gate, na naka-drawing ang emblem ng Saint Vincent’s College, na may mottong Viritas Liberabit Vos o The Truth Shall Set You Free. Napansin naming hindi lamang ang School Gate ang nagbago mula nang lisanin namin ang “High School Life.”
Sa labas, tanaw namin ang ika-lawang baitang ng gusali ng Elementarya. Dati rati’y isang baitang lamang ito. Ngayon, dalawa na’t fully-airconditioned rooms pa. Nabatid ko na marami pang panibagong bagay-bagay ang malalaman ko sa aming pagpasok muli sa SVC Basic Education Campus…
At nagsimula ang aming pagbabalik-paaralan sa pagpasok kay School Gate.
Nakakatuwang isipin na sa pagpasok pa lamang namin, binati agad ako ni Mister Security Guard. Naalala niya pa pala ang pagmumukhang ito. Ang dating Lampayatot ay kahit papaano’y nagkatimbang na rin. Kaya natuwa ako sa aming simpleng kamustuhan, na kahit ilang libong estudyante man ang labas-pasok na binabantayan niya, naalala niya pa rin si Nino Gonzales ng Batch 2004.
Nahiya kaming dumeretso sa High School Department kaya dumetour muna kami sa Elementary Building. At doon ko nakita muli Si Sir Rey Rivas, ang aming Chemistry at Geometry Instructor noong third year. Siya rin ang naging coach ko noong nanalo ako sa Panlalawigang Patimpalak sa Matematika noong second year, kaya masasabi ko may pinagsamahan din kami. Siya na pala ang Chemistry Head ng paaralan ngayon, pati na rin sa Kolehiyo. At ang advice niya sa akin (in the dialect)…
“…habang kaya pa nang utak, mag-law ka. Maganda pakinggan na CPA ka na, lawyer ka pa.”
At ang tangi kong nasabi ay, “pag-iisipan ko po.”
Nagkaroon na kami ng sapat na lakas para lumakad sa dati naming hallway.
Naman, ang mga silid-aralan ngayo’y may kulay na, di katulad ng dati beige and brown lang ang tema ng bawat silid. Ngayon ay may graffiti art na ang isang kwarto, ang isa nama’y temang-berde.
At sa hallway harap ng Room 25 (IV- St. Therese of the Child Jesus noon III- St. Claire ngayon), nakita ko ang ilan sa aking mga paboritong gurong nagtipon-tipon bago magsimula ang 4:00 p.m. class.
Naroon si Mam Brenda Lou Espinosa na History Teacher naming buong high school life. Siya rin ang School Paper Adviser ng The Vincentian at ng Ang Siklab at naging Official Coach sa mga Schools Press Conferences na sinalihan namin.
Ang unang nasabi niya sa akin, “ngayon ka lang bumalik kung kalian CPA ka na.” Ngunit nakita ko sa kanya ang tagumpay ng isang guro sa tagumpay ng kanyang mag-aaral. Masaya siyang makita muli ang estudyanteng nag-puwersige para makamit ang pinakamataas na parangal sa pagtatapos. She knows how much struggle I went through before.
Naroon din si Mam Luz Velasco na aming Technology and Home Education instructor mula first year hanggang fourth year. Hindi ko alam kung bakit nag-mano ako sa kanya sapagkat hindi ko naman siya naging ninang. Marahil ito’y simbolo ng pag-respeto, pagbibigay-galang sa isang Inang nagturo sa amin ng kahalagahan ng buhay-bahay at sa pag-anticipate ng mahihirap na tanong sa pagsusulit. Blank is the blank of the blank.
Naroon siyempre si Sir Wilfredo Gementiza, guro sa Filipino, first year to fourth year. Nami-miss na namin ang mga biruan niya tuwing may klase, mga hirit na kahit minsan ma’y “ibang kahulugan” ay patok pa rin sa lahat ng mag-aaral. “Hindi pa rin nagbago ang Sir naming”, pakiwari ko, “mister Suave pa rin ang dating, parang walang tinanda kahit ilang taon na kaming hindi nagkakita.” At ang dakila niyang payo sa kanyang dating mag-aaral…
“…habang kaya pa nang utak, mag-law ka. Maganda pakinggan na CPA ka na, lawyer ka pa.”
Ang tangi kong nasabi ay, “pag-iisipan ko po.”

Nag-ring ang bell (matagal na rin nang huli ko ‘tong narinig.)
Nagsipasok ang mga guro sa kanilang mga klase kaya naglibot-libot muna kami ni Clair sa iba’t ibang mga silid-aralan para makita ang mga guro.
Naroon sa Room 65 si Mam Janeth Sevilla, English teacher. Hindi naming siya naging guro ngunit malaking tulong ang nagawa niya bilang Speech and Drama Club Adviser naming. She thought me the basics of extemporaneous speaking and helped improved my public speaking skills. Naman.
Naroon sa Room 60 si Mam Leonora Galon, ang aming pinakamamahal na Physics Teacher at Fourth Year Class Adviser. Hindi namin makakalimutan ang pag-cancel niya ng mahihirap na mga Physics problem – density, gravitational pull, acceleration, atbp. At Theresians, malilimutan ba natin ang ating Bato Balani examinations at battery of much-deserved sermons galing sa kanya?
Umakyat kami sa ikalawang palapag na bahagi ng isang gusali ng departamento. Ba’t wala nang library? Napalitan na nang bagong silid-aralan?
Biro ni Clair, ang tatlong palapag ng gusaling iyon ay simbolo ng iyong katalinuhan. Habang pataas ka raw ng palapag, mas mababa daw ang intellectual capacity” mo.
Kawawa naman ang nasa itaas. Wala namang ganoon dati, ah.
At sa ikatlong palapag, sa pinakamataas na baitang, naroon pala ang dalawang Physical Education teachers at ang CAT commander namin.
Naroon si Mam Doris Olib, Physical Education teacher namin, second year to fourth year. Napansin ko lang na sa paglipas ng panaho’y gumaganda ang guro namin ito. Eh, binuking ni Sir Fredo ang sekreto ni Mam Olib. “May lovelife siya sa Makati, Gerard ang pangalan.” Naman, kaya naman pala. Congratulations Mam.
Naroon si Mam Rona Cajocon, isa pang Physical Education teacher. Naging Adviser siya sa SVC Dance Troop na kinabibilangan ko dati. Silang dalawa ni Mam Olib ang naging mga tagapangulo kung bakit palaging nag-kakampyon ang SVC sa Red Cross Dance Contest noong kapanahunan namin.
Kapanahunan daw oh. Tumatanda na tayo Clair.
Naroon rin si Sir Kirk Tanara, ang aming CAT Chief Commander. About Face. Harap sa Kaliwa Na. Umaasenso na ngayon si Sir ngayon. May maliit na refrigeration repair shop na at siya ang Head Technician. Commandant – Technician rolled into one. Naman. Congratulations Sir. We salute You.
Bumalik kami sa palapag ng Department at pumanta ako sa Principal’s Office – ang dating rendezvous ng Student Supreme Council, ang venue ng special examinations, at ang practice area for public speaking contests.
Doon nag-report ako muli kay Mister Felipe Baloria Junior, Assistant-to-the-Principal, ang aming nag-iisang Speech and Public Speaking Teacher from first to third year. Naku, malaki ang naitulong si Sir Baloria sa public speaking skills naming Batch 2004. Kung hindi dahil sa kanya, marahil baluktot kami mag-Ingles at “we would not have had the courage to face crowds of different personas if it weren’t for him” tama ba Sir?
At ang dakila niyang payo sa kanyang dating mag-aaral…
“…habang kaya pa nang utak, mag-law ka. Maganda pakinggan na CPA ka na, lawyer ka pa.”
Ang tangi kong nasabi ay, “pag-iisipan ko po.”

Naisip ko kung bakit halos lahat ng aking mga guro ay nais akong mag-abugasya. Attorney Nino Jose B. Gonzales, CPA.
Maganda naman pakinggan di ba?
Pero maganda bang pakinggan ng puso ko ang titulong ito?
Ang “pag-iispan ko po” ay malapit ko na sanang “gagawin ko po” sa tamang panahon…
… hanggang nagbigay ng payo si Mam Necit Realiza, Values Education teacher noong forth year, kay Clair ukol sa darating na resulta ng June Nursing Examinations…
“(in the dialect)…kung hindi para sa iyo, hindi para sa iyo. Hindi ibibigay ng Diyos ang hindi para sa ‘yo. Gawin mo ang gusto mo. Yung gusto mo ang gusto ng Diyos.”
Very well said. Salamat sa dakilang payo, Ma’m Necit. Hindi ninyo alam kung gaano ninyo napagaan ang pakiramdam namin. Totoo naman ang sinabi niya di ba, Inigo, CPA?
Nag-ring na rin ang huling bell sa araw na iyon. Nagsi-uwian na rin ang ilang estudyante at mga guro na muling nakapiling pagkaraan ng ilang taon.
Pumasok kami sa dati naming Theresians room, umupo ulit sa mga masasayang karanasang kay sarap-sarap balikan. Nakuha pa naming magsulat sa pisara ng dating silid.
“We were here – Gonzales, Batch ’04 – Rubia, Batch ‘ 04”
At higit sa lahat…
“…SAVE!!! Enjoy your HS Life. It’s the best – batch ‘04”